Thursday, June 14, 2012
KAHIT AYAW MO NAMANG MASAKTAN. Posted at 12:00 PM 0 comments (+)
Hindi ganun kadali ang pagpapatawad lalo kung sobrang nasaktan at nahamak ang buong buhay mo. Sinasabi nga nila na "Diyos nga nagpapatawad, ikaw pa kaya." Pero ewan. Wala naman yatang ginusto ang mga tao kundi ang maging masaya, pero bakit sa tuwing gugustuhin nilang sumaya eh dun naman sa puntong yun sila kailangan masaktan. CHOICE DAW YUN KUNG BAKIT KA NASASAKTAN. Pero CHOICE din ba talaga na KAHIT AYAW MO NAMANG MASAKTAN nararamdman mo parin masaktan? Diba hindi naman? Kaya hindi mo din masisisi ang mga taong nasasaktan at nakakaranas ng mga bagay bagay na hindi naman talaga inaasahan o hiniling yung sakit kahit pilitin mo ang sarili mo na MAGING MASAYA. NAHAHALUAN LANG NG KALUNGKUTAN AT SAKIT NA DATING NARAMDMAN MO. Kaya paano mo nasabing choice yun kung hindi mo naman talaga ginusto? Sigh.

Labels:

Monday, April 23, 2012
ANG BABAENG NAGDUDUDA: Posted at 4:07 PM 0 comments (+)
Kapag ang babae nagdududa, ang madalas na reaksyon ng lalaki ay magagalit at magiging defensive, sabay maglilitanya na

“Ano ba, wala ka bang tiwala sakin?”.

Hindi yun ang inaasahan naming reaksyon mula sa mga lalaki. Ang gusto namin ay i-secure niyo kami at i-reassure na hindi tama kung ano man ang nasa isip namin. Ang gusto naming marinig ay,

“Ikaw lang ang babae sa buhay ko, hinding hindi ako titingin sa iba dahil ayaw kitang bigyan ng dahilan para masira ang tiwala mo sa akin.”

Ganun lang naman kasimple yun. Sabi nga ni Papa Jack, obligasyon mong gumawa ng paraan para mawala ang pagdududa ng partner mo, obligasyon mong gawing komportable ang pakiramdam niya sa relasyon niyo.

Pero syempre, wag lang puro salita ha, panindigan niyo.

Labels:

Tuesday, November 15, 2011
Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go. Posted at 10:45 AM 0 comments (+)

Let go of something or someone that makes you hurt, that makes you cry, and feels like you’re just nothing, you’re worthless and something that makes you feel sad. Sometimes, being in a complicated relationship, seems like you’ve lost your whole world. Sinisira ka at nagkakasakitan na kayo. You’ve got nothing else to do, but to let go and move on. Minsan kasi, nagiging bulag tayo sa isang bagay, masyado natin ‘tong pinaglalaban at sobrang pinaninindigan, pero ang sarili mong kapakanan, hindi mo na inaalala. Tulad na lang sa desisyon mong patunayan sa kanyang mahal mo siya’t bibigay mo ang lahat, ipaglalaban at magpapaka-tanga alang-alang sa pag-ibig na hinihiling mo. Bakit? …bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo? Bakit mo pinaglalaban ang isang bagay na alam mong sa una palang, talo ka na. 

Maraming bagay dito sa mundo ang dapat i-let go. At may mga bagay rin na dapat natin pagka-ingatan. Pero kung gagawa ka man ng desisyon, dun ka kung saan ang alam mong tama. Kung saan ka sasaya. Sa love, kanya-kanya tayo ng dahilan kung bakit tayo kinakailangang mag-let go sa isang tao o kaya sa nararamdaman. Naging matapang ka lang at malakas, dahil sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya, mas inisip mo pa rin ang sarili mong kapakanan. Hindi naman kasi sa lahat ng oras o panahon pinapasaya ka ng love o ng isang tao eh. Sa kabila ng mga pasakit, luha at ng mga bagay na isinakripisyo mo, ayan ka’t nagiging matatag ka at nasasabi mong kaya mo palang mabuhay ng masaya kahit wala na siya sa piling mo. Oo, wala na siya. It’s over. But you life has to go on. Ang tao, napapagod at nagsasawa rin. Mahirap mag-let go. At kahit kailan, hindi naging madali ‘yun. Pero mas mahirap mag-hold on sa isang bagay na hindi ka kayang pasayahin. Diba? Hindi porke bumigay ka na, mahina ka. Mali! Pinakita mo lang na sa kabila ng lahat ng ginawa mo, naging matapang ka para pakawalan ito. Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.

Labels:

Saturday, October 22, 2011
That night when you can't help but let tears fall. Posted at 11:17 PM 0 comments (+)
You don’t know if you can make it. your eyes sore, you can’t breathe. you keep on crying for a reason you can’t explain. have you ever felt that? that feeling when you’re losing someone you love. you couldn’t patch things up, you couldn’t make it better. it feels like you’re letting go of a relationship that took so long to build. it hurts because you have invested so much emotions for that person and yet, you feel like he’s not in love with you anymore. and all that’s left to do is cry wishing that tomorrow when you wake up, the pain will go away. but unfortunately, it won’t and you will continue to repeat the same night crying for that someone, until the day you realized that it’s already over and you’re going to be fine.

Labels:

Wednesday, October 5, 2011
Ang mga babae... Posted at 10:00 AM 0 comments (+)

1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan.

2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami.

3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun.

4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.

5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.

6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago.

7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR.

8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba namin sila sasagutin. Naiirita kami. Kaya dapat maging matiyaga kayo kasi dun namin nalalaman kung sino talaga kayo.

9. Kapag malungkot o tahimik kami, gusto namin ng yakap galing sa inyo: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak niyo na kami. Gumagaan yung pakiramdam namin. :">

10. Gustong gusto namin yung mga lalaking malaki ang respeto samin: Yung tipong pag ayaw namin magpa-kiss, hindi niyo gagawin. Instead, lalambingin ka na lang sa ibang paraan. Ang pinaka gusto naming kiss, kiss on the forehead. It symbolizes, respect.

11. Ang nagpapa-turn on samin ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama namin kayo, feeling namin safe na safe kami. Walang mangyayaring masama at hindi kami ilalagay sa panganib.

12. Ayaw namin sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal niyo talaga kami, patunayan niyo sa personal. Wag yung sa text lang kayo magaling. Magpaka-lalaki kayo!

13. Sobra kaming natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, feel mo eh special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling naming babae eh, isa kaming prinsesa.

14. Ang pangarap naming mga babae yung ipapakilala kami ng mga lalaki sa kanilang mga barkada at lalo na sakanilang pamilya: Feeling namin kami na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala kami sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nmin angkin na angkin na namin ang isang lalaki dahil nakilala na namin ang mga taong bumubuo sa buhay niya. :)

15. Magaling kaming mag-pretend: Kapag nasasaktan kami, nagpapaka-manhind kami. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan kami. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan kami. Pero kapag mag-isa nalang kami, dun kami naglalabas ng sakit. Dun kami umiiyak. Kaya ang pangarap naming lalaki is yung sensitive enough sa mga nararamdaman namin. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin kami.

Labels:

Tuesday, September 27, 2011
Risk. Posted at 6:32 PM 0 comments (+)
May mga taong takot ng magmahal hindi dahil ayaw na nilang masaktan kundi dahil sawa na sila sa ideya na bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sila ang laging nasasaktan at napaglalaruan ng tadhana.

Pero…
  • Paano mo mahahanap ang taong itinakda ng Diyos para sayo kung hindi ka magmamahal muli?
  • Paano mo malalamang totoo ang intensyon ng isang tao kung hindi mo susubukan?
  • At paano ka sasaya kung ayaw mong mag-take ng risk?

Sabi nga nila :

“Loving someone is taking risk.”

Hindi naman kasi sa lahat ng panahon na nagmahal ka masaya nalang kayo lagi.

May mga pagkakataon din namang you’ll come to the point na hindi kayo magkakaintindihan, mag-aaway at kung minsan, nagkakalabuan.

Pero hindi ibig sabihin nun na hindi niyo na maaayos pa ang gusot na yun. Pagsubok lang naman yan sa relasyon niyo eh. Kunbaga, spice lang yang mga away-away na yan sa relasyon niyo para maging matatag pa.

Sabi nga ni Papa Jack :

“It’s a requirement to every relationship na maghirap at masaktan kayo, para magkaroon kayo ng lalim. Yung mga away niyo, yung mga pagkakataong nag-break kayo tapos nagkabalikan ulit, yun ang tinatawag nilang “Marami na tayong napagdaanan.””

It is just a matter of taking the risk and finding the right person who’s also worth the fall.

Hindi naman kasi solusyon ang pag-iwas na magmahal para hindi ka na masaktan.

Darating din ang panahon na kailangan mo na ng isang taong mag-aalaga, iintindi at magmamahal sayo ng totoo.

Kasi nga…

“Sa buhay natin, Dadating din yung mga taong:
  • Makapagpapasaya satin.
  • yung hindi tayo sasaktan
  • yung gagawin lahat para lang mahawakan ang ating mga kamay
  • at mayakap tayo ng mahigpit.

Dahil ang Pag-ibig, Hindi naman talaga yan hinahanap, yun ay kusang dumadating.”

Maghintay ka lang at higit sa lahat magtiwala.

Labels:

Tuesday, September 20, 2011
Love can be our “dream come true”. But sometimes, it can be our worst nightmare. Posted at 5:49 PM 0 comments (+)

Ang pag-ibig.


  • Masarap pero masakit.
  • Masaya, pero may times nalulungkot ka.
  • Natatakot ka ng umibig pero sige ka pa rin.
  • Nahihirapan ka na, tinitiis mo pa.
  • Manhid na siya, mahal mo pa.


Sabi nila ang “Love” ang pinakasayang feeling na mararamdaman mo dito sa mundong ‘to. Pero bakit andyan pa rin ‘yung feeling na nalulungkot ka? Alam ko lahat tayo, tinatanong natin mga sarili natin, “Bakit nga ba ganito/ganyan ang love?” Dahil sa love, ang dami nating nalalaman at natutunan. Andyan ‘yung, masayahin, pero dahil nasaktan sa pag-ibig, naging iyakin. Andyan din ‘yung pagiging martir mo. Kulang na lang gawin ka ng rebulto dun sa Luneta park, at sabihing, “Ito ‘yung taong ginawa ang lahat magustuhan ang taong mahal niya.” Kulang na kulang na lang talaga, eh matawag ka ng bayani ng mga martir. Natutunan rin naging maging gago at tanga, pagtawanan ka na ng iba, dahil ikaw ang model ng pagiging no.1 sa katangan. Lagi ka nalang umiiyak bagkus, andyan ang mga kaibigan mo para pasayahin ka. Ang mag-bingi-bingihan at magbulag-bulagan. Alam na ng lahat at ikaw na lang ang hindi na hindi naman ikaw ang taong mahal ng gusto mo. Aba! Kinarir mo! Isang trophy sa’yo! Minsan, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi laging siya na lang…

Pero kung sinasakto mo lang ‘yang pagiging manhid at tanga-tangahan mo sa isang tao, nagdudulot rin ‘yun ng maganda. Kasi, kahit papano, maisip mo lang siya, masaya ka. Nagkakaroon ka ng inspirasyon sa bawat bagay na ginagawa mo. Ang pagpasok mo araw-araw sa school para lang makita siya at mabuo ang araw mo. Ang kinang sa’yo mga mata at abot na sa tengang ngiti sa tuwing masilayan mo lang siya ng kahit sandali lang.

Totoong nakakabaliw ang pag-ibig, hindi malaman kung may mali o tama sa ating pinag-gagawa. Mga promises? Napapako naman. Mga “I love you”? Hindi naman napapatunayan. ‘Yung iba, hanggang salita lamang at wala namang maibubuga kapag sa gawa. Masakit, masaya, mahirap, nakakalungot. ‘Yan ang pag-ibig. Kung hindi mo mararanasan ang hirap at sakit, hindi mo makakamit ang kasiyahang gusto mong i-feel.

Labels:

Wednesday, September 14, 2011
Hindi naman kasi itchura ang basehan, pagdating sa love. Posted at 10:26 AM 0 comments (+)
Tumpak! Eh ‘di kung hindi ka gaano kagwapo o kaganda, hindi ka na magmamahal o mamahalin? Looks? Lahat tayo meron niyan. Maganda at gwapo ang mga kababaihan at kalalakihan sa mundo. Hindi lang natin maikakaila na ‘yung iba, eh angat talaga. Kaya wala tayong karapatan para sabihan ng hindi maganda ang kapwa natin. Kung magkakaroon ka naman ng karelasyon, syempre gusto mo ‘yung gwapo o maganda. Kasi kapag sinabihan ka ng, “Uy! Ang ganda/gwapo naman ng boyfriend/girlfriend mo.” Para na rin compliment sa’yo ‘yun hindi ba? Pero aanhin mo naman ‘yung gwapo/maganda, kung niloloko ka lang pala at ni katiting na pagmamahal eh wala siya? 

Someone asked me, “Looks or personality?” I answered, “Personality.” Bigla niyang tinanong, “Kahit si *insert name here*?” Bigla akong napatigil at napaisip. Ng masabi kong, “Looks! Kahit sino namang babae gusto ang gwapong boyfriend no.” So yeah, pinili ko ‘yung magandang mukha kesa sa ugali. Oops! Don’t get me wrong. Inisplika ko naman, pero kung hindi man kagwapuhan ang taong mamahalin ko, sana maganda rin ang ugali nito. Sa love kasi, nagmamahal ka sa taong hindi mo inakalang mamahalin mo pala. Tulad na lang sa mag-best friend. Sabihin na nating, hindi siya gwapo. Pero dahil napalapit na siya sa’yo, nahulog na ang loob mo sa kanya. Kaya kung may gusto ka mang tao, kaibiganin mo muna, ‘wag kang magmadali. Darating ang araw, mamahalin ka rin niya. May magandang itchura man siya o wala. Jackpot naman ‘yun kung, gwapo/maganda na siya, maganda pa ugali niya. At syempre, mahal na mahal ka…

Iba pa rin talaga kung personality ang dahilan kung bakit napapahanga ng iba ‘yung isang tao. Kasi wala rin kung maganda nga itchura mo, saksakan namang kapangitan ‘yang panloob na anyo mo. Sabi nga ni Bob Ong, “Sa paglipas ng panahon, ang mga crush ng bayan sa eskwelahan, eh magmumukha ring pandesal. Maniwala ka…” Tama siya, dahil hindi nama panghabang-buhay ang kagandahang mukha na taglay natin. Magbabago rin ‘yan. Pero ang ugali ng tao, hindi. Beauty is only skin deep. And it’s nothing when you get to know the person better.

Labels:

"Ayaw ko na..." Posted at 10:14 AM 0 comments (+)
  •          Kasi nakakapagod na.
  •          Kasi sawa na ako.
  •          Kasi hindi ko na kaya.
  •          Kasi nahihirapan na ko.
  •          Kasi nasasaktan na ko.
  •          Kasi nagbago na.
  •          Kasi wala na ‘yung dating pag-ibig.
‘Yan ang magiging dahilan ko kapag dumating ‘yung araw na masasabi ko sa kanyang “Ayaw ko na…” Lahat ng taong napapagod ring umintindi at lahat ng tao nakukuha ring hindi na magparamdam ng pagmamahal para sa taong ‘yun. Hindi naman nila magagawa ‘yun kung walang dahilan. Kapag nawala ang isang tao sa’yo, wala sa kanya ang dahilan, minsan nasa taong nawalan. Lahat ng tao nararanasan maging komplikado ang relasyon. Pero sana, ‘yung pagiintindi o panguunawa at ang love, ‘yun sana ang hindi magbago o mawala.

I’m not a perfect girlfriend and there’s no such thing as perfect relationship. Alam ko ‘yun at dapat alam nating lahat ‘yun. Hindi naman ako ‘yung tipo ng taong agad-agad sumusuko. Pero kapag wala ng dahilan para ipagpatuloy pa, tinatapos ko na. Noon, “Prince Charming, Mr. Right o ‘yung Knight and Shining Armor” ang hanap ko. Nagbago ‘yun nung dumating siya sa buhay ko, hindi siya perpekto pero lahat ng gagawin niya dapat ‘yung tama. Dapat ‘yung magpapasaya sa’kin. ‘Yung hindi ako makakaramdam ng lungkot. Pero noon rin ‘yun. Ngayon, nagbago na. Na-realize ko, hindi lang talaga kaming dalawa ‘yung tao sa mundo. Mawala man ako, makakahanap pa rin siya at makakatagpo pa rin ako ng lalaking makakaintindi akin. ‘Yung lalaking makakapagsabing, “Mahal kita kahit ganyan ka…” o kaya, “Nakilala kita sa ugaling ‘yan, kaya dapat mamahalin ko rin ‘yang ugali mong ‘yan.” Mang-iwan man ako ng isang bagay ngayon, hindi ko na ‘yun hahawakan pag-sapit ng bukas. 

Alam ko darating ‘yung araw na magkakasakitan tayo at eto na nga ‘yun. Puro lungkot at sakit na lang ang nararamdaman ko. Wala na ‘yung love. Hindi pa nga ata ako ‘yung babaeng para sa’yo. Gustuhin ko man na, “Sana ako na…” pero parang hindi pa rin sapat ang lahat. Pero ‘wag kang mag-alala, kung sasabihin ko man sa’yong ayaw ko na, tama na… Sisiguraduhin ko munang hinding-hindi na talaga kita mahal…

“Love doesn’t need to be perfect, It just needs to be real.”

Labels:

Thursday, September 8, 2011
PAG NAG-AAWAY TAYO AT DI NA AKO NAGSALITA… Posted at 1:15 AM 0 comments (+)
Ang ibig sabihin nun, nagpapakumbaba na ako. Ayoko nang sumabat pa. Ayoko nang lumaki pa ang away. Tama na. Ayoko nang makipag-debate pa sa bagay na pinag-aawayan natin. Ayoko nang magsalita at baka sa iba pa humantong ‘to. Ayoko na ng gulo. Kaya’t papakinggan ko nalang ang mga sinasabi mo hanggang sa maubos ang mga salita mo. May kausap ka pa. Nakikinig naman ako eh. Ayoko nalang magreact. Nahihirapan ako sa bawat oras na nag-aaway tayo. Nahihirapan akong huminga. Nasasaktan ako ng sobra. Hindi naman kasi ‘to kompetisyon. Ayoko na nung nagpapagalingan tayo. Nagsasalitan ng mga masasakit na salita. Di naman tayo bobo at tanga. Oo, parehas tayong may utak. Parehas tayong may alam. Pero di maiiwasan yung may mas angat sa ibang bagay. Pero di naman natin kailangang magpataasan. Magtulungan tayo. Mahal kita at alam kong mahal mo ako. Di pa ba sapat yun para itigil na yung away? Kasi para sa akin, sapat na yun eh. Tama na ang pag-aaway. Mahal kita. At di kita iiwan.

Labels:

Tuesday, September 6, 2011
Paano na kung ikaw na lang ang lumalaban? Posted at 8:14 PM 0 comments (+)
Sa bawat relasyon may mga problema, darating din yung bagyo sa pagsasama niyo na hindi niyo maiiwasan dahil talagang darating yan para maging matatag, o di kaya dumating sa punto na kailangan niyong patunayan kung magtatagal nga ba kayo, kung pareho niyong haharapin lahat ng problema ng may tiwala sa isa’t-isa.

Siguro tama din yung kasabaihan na, “Lahat marunong magmahal ng seryoso, meron lang hindi malakas sa temptasyon at hindi nakukuntento” sa relasyon meron isang bibitaw at may lalaban. May isang magpaparaya, may isang magbibigay. May ayaw tapusin, may gusto ng lumisan. Lahat naman ng tao e, nakaranas ng iwan. Mas masakit nga lang kung ikaw na lang yung nalaban.

Pinipilit mong ayusin, pinipilit mong maniwala sa kung anong sinasabi ng puso mo, pilit mong iniintindi ang sitwasyon. Gusto mong sumaya ulit kayo pero parang hindi na kaya pa. 

Labels:

Monday, September 5, 2011
In a RELATIONSHIP. Posted at 1:01 PM 0 comments (+)
1. Maging open sa isa’t isa. Hindi aasenso ang relasyon niyo kapag parehas kayo masyadong secretive ng partner mo. Magkwentuhan kayong dalawa, wag lang tungkol sayo, maging interesado ka rin sa buhay niya. 

2. Kapag may problema, pag-usapan niyo agad. Wag niyo na patagalin pa. Wag niyo itago sa isa’t isa. Kung may gumugulo sa isipan, sabihin agad. Ang komunikasyon ay isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat i-maintain sa isang relasyon.

3. Tiwala. Tiwala. Tiwala. Kadalasan, ito ang sanhi ng away. 

“Sino yan katext mo? Bakit ngayon ka lang? Siguro may iba ka pang tinawagan!”

Alisin niyo yan sa relasyon niyo. Hindi yan maganda. Mahahalata mo naman kung nagloloko ang kasintahan mo. Pakiramdaman mo. Wag yung sasalubungin mo agad siya ng mga maling akala. 

4. Komunikasyon. Mas ipaliwanag pa natin ang aspetong ito. Walang mangyayari sa isang relasyon kapag wala ito. Paano kayo magkakaintindihan? Paano ninyo masasabi sakanya kung gaano mo siya kamahal kung wala nito?Ang nararapat gawin ay padalasin ang pag-uusap ninyong dalawa. Kung baga, para maka-“catch up” sa mga pangyayari sa buhay-buhay. Sa pamamagitan nito, lalakas pa ang bonding ninyo. 

5. Oras. Bigyang pansin ninyo ang aspetong ito. Bigyan niyo ng oras ang mahal niyo. Masyado ka kasing busy sa ibang bagay, hindi mo napapansing nababalewala mo na siya. Time management. Hindi ko sinasabing lahat ng oras eh ibibigay mo na sakanya. Sobra na yun, at hindi maganda ang “sobra”. Kung hindi mo siya makakasama, o hindi ka makakatext kasi may gagawin ka, ipaliwanag mo yan sakanya. Wag yung mga salitang paasa tulad ng “Saglit lang ako.” “Basta may gagawin lang ako.” Kasi ano ba ang maiisip niya kapag sinabi mo yan?

“Saglit lang pala siya, pero bakit umabot ng ilang oras ang paghihintay ko?”

“Basta…? Anong ibig sabihin non? Kung ano-ano na papasok sa isip.

Dito papasok yung sub-aspect nito: Pagiging Paranoid.

Natural lang na maging paranoid MINSAN sa isang relasyon. Wag lang yung sobra. Hindi sa wala kang tiwala sa mahal mo. Pero hindi pa rin maiiwasan yung mag-isip ng ibang bagay kapag hindi nagpaparamdam yung isa, hindi ba? Wag maging OA. KEEP CALM, kung baga. Wag yung susugod ka nalang bigla at sisigaw-sigawan siya na may kalokohan siyang ginagawa.

6. Iparamdam mo sakanyang totoo ang nararamdaman mo. Wag ka puro salita lang. Umaksyon ka! Kahit ilang beses mo siya sabihan ng “Mahal kita”, kung wala ka namang napapatunayan, walang silbi pa rin. Gumawa ka ng paraan para maramdaman niya. 

7. Kapag nasa kalagitnaan ng away, wag kayo magsigawan. Wag kayong agresibo. Kumalma kayo. Wag kayong magpataasan ng pride. Matuto kayong magpakumbaba. Nagmamahalan kayo, hindi kayo nasa contest. Magbigayan kayo. Intindihin niyo ang isa’t isa. Kayo lang naman ang masasaktan kapag hindi niyo inayos yan.

8. Hindi ka nag-iisa. Simula ng naging kayo, ang mga problema mo, problema niya na rin. Ang kasiyahan mo, kasiyahan niya na rin. Kaya magtulungan kayo. 

9. Maging tapat sakanya. Isa lang ang puso mo, iisa lang din ang mamahalin mo. Kelangan ko pa bang ipaliwanag ito?

Labels:

HUWAG KANG MAGBIBITAW NG PANGAKO SA ISANG BABAE KUNG HINDI MO KAYANG PANINDIGAN. Posted at 12:51 PM 0 comments (+)
Minsan kasi ang mga lalaki mangangako kahit hindi naman bukal sa loob. Minsan nasabi niya lang yun para lang masatisfy na si girlfriend, minsan dala lang ng sobrang pagkatuwa o minsan naman nadala sa moment.

Eh kaming mga girls, tinatandaan namin yung mga yon. Kahit matagal na panahon na, di namin yun makakalimutan.

Kaya ingat sa mga binibitawang pangako ha? Kung hindi rin lang naman kayang tuparin, huwag na lang sabihin. Para hindi mauwi sa away o tampuhan.

Big deal pa naman sa amin ang mga promises. Kapag kasi may pinako ka na, chances are, hindi na kami maniniwala sa mga susunod niyong sasabihin or worst, mawawalan na kami ng gana sa relationship.

Labels:

Pagiging Obsessed sa Karelasyon. Posted at 11:55 AM 0 comments (+)
Marahil hindi mo ito napapansin, pero sa totoo ay ginagawa mo na pala ito. Kung sa tingin mo, nag-aalala ka lang, pero yun pala, parang halimaw ka na umasta dahil hindi siya nagreply agad sa text mo.
Paano mo ba masasabing isa ka nang “obsessed” na tao?
  • Kapag sa simpleng bagay lang, nahahanapan mo pa rin ng butas,
  • Kapag OA ka na kumilos; tuwing nag-aaway kayo, todo hagulhol ka,
  • Kapag naiisip mo na parang hindi mo kayang  mawala siya sa buhay mo, yung tipong halos mamatay ka na,
  • Yung siya na nga nakipagbreak, ikaw pa tong hahabol habol kahit na pinaliwanag na niyang AYAW NA NIYA SAYO. Pero ikaw, parang nakatali pa rin sakanya, nagmamakaawang bumalik siya sayo,
  • Yung sakanya lang umiikot ang mundo mo, wala ka nang nakikita, tapos pag napansin mong may bagay siyang pinagkakaabalahan, maliban sayo, magagalit ka na, mapaparanoid.
  • Yung nakakasakal na ang mga ginagawa mo sakanya
Iisipin mong nagugustuhan ito ng karelasyon mo, kasi patay na patay ka sakanya. Pero pwede bang tumigil ka muna, at mag-isip isip? Dahil kapag nagi kang masyadong DEPENDENT sakanya, ito ang maaari nilang gawin.
  • Mag-take advantage. Yung iba, iisipin na , “Ah, kahit saktan ko ito, babalik ng babalik lang naman ito sakin eh, Hindi niya ako kayang iwan.”
  • Yung iba, natuturn-off dito. Gusto nila yung taong kayang mabuhay kahit wala sila, pero andon pa rin yung tiwala. Yung matapos man ang araw na hindi sila magkasama, kampante yung loob na sakanya pa rin babalik yung mahal niya. Hindi nawawala yung tiwala.
Mahirap kontrolin ang pagiging “obsessed”, mahirap mawala ang pagiging “paranoid”. Ikaw na mismo dapat ang tumulong sa sarili mo magbago, para sa ikabubuti ng relasyon ninyo.

Labels:

Wednesday, August 31, 2011
Maisasalba mo pa ba ang relasyon niyo? Paano mo pa siya maibabalik sayo? Posted at 6:51 PM 0 comments (+)
Nararamdaman mo na ba na nanlalamig na sayo yung taong mahal mo?

Nararamdaman mo ba na physically present siya pero mentally absent naman kapag magkasama o magkadate kayo? 

Minsan kasi, ang mga tao may pinapagdaanan din yan sa indibidwal nilang buhay na syempre makakaapekto sa relasyon mo, yung mga bagay na may kinalaman sa trabaho, pamilya o may mga pangyayari rin. Kung hindi mo siya bibigyan ng atensyon habang pinagdadaanan nya yung mga yun eh yun ang gagawa ng puwang sa inyong dalawa na syempre, ang bottom line eh maghihiwalay kayong dalawa. Matuto kang magisip ng mga bagong paraan para ipakita mo na mahalaga siya at mahal mo siya. Pilitin mong sabihin o ipaintindi sa kanya na kahit anong mangyari, nasa tabi ka niya. 

Paano kung hindi mo na nasalba ang relasyon at yung mahal mo naging ex mo na? Yung iba kasi, padalos dalos, hindi nila alam na lalong nawawala lang ng gana yung ex nila. 

Nakakainis na pilit mong inaayos yung lahat ng bagay pero siya walang ginagawa. Kaya ang dapat mong gawin, hayaan mong mai-nlove ulit siya sa'yo. Ibalik mo ang mga nabago mong ugali sa mga bagay na nagustuhan niya sa'yo mula nung una pa. Minsan kasi, factor din ang money, palagi mong maiisip kung mabibili mo ba para sa kanya 'to, mabibili mo ba yan. Kaya intindihin din nung iba yung papasukin nila. Kung walang pera si boyfriend/girlfriend, edi magtiis. 

Pilitin mong..

  • Intindihin siya
  • Wag mo siyang pilitin kung ayaw pa niyang makipag-usap
  • Wag mo siyang haharassin, kung babalik yan, babalik yan
  • Ibigay mo ang lahat ng suporta para maka move on siya o makaya niya
  • Wag mo ipilit ang sarili mo: lalo yan lalayo
  • Wag ka palaging maghabol
At para naman mapabalik siya sayo..

  • Ligawan mo siya ulit
  • Lahat ng pagmamahal ibigay mo
  • Magsakripisyo ka
  • Mahalin mo siya ng buong-buo
Alam naman natin lahat na walang perpektong relasyon, pero ano ba naman yung magkaintindihan kayo dalawa para umayos ang relasyon, hindi mag-break, at walang magiging EX.

Labels:

Sunday, August 21, 2011
Posted at 9:25 PM 0 comments (+)
Kahit kailan, pwedeng magpakasasa sa sex ang mga virgin na kagaya namin hangga’t kelan namin gustuhin. Pero yung mga nagpapakasasa na sa sex ngayon, never na ulit mababalik yung nawala sa kanila na dapat nilaan nila para sa taong sasamhan sila habang buhay.

Wait, anong mali sa lipunan? Minsan naooffend ako para sa ibang mga tao, sa puntong ‘to e kasama ako, na ‘yung ibang tao e tila nagmamarunong na kesyo ganito, kesyo ganyan dapat. Kapag hindi na ba virgin e nawawalan na ng karapatan ang taong lumigaya at kailangan na nating ibaba ang dignidad nila dahil sa pinili nilang landas na makipagkantutan agad kahit hindi pa sila ikakasal o hindi pa sa tamang edad? Alam kong labag sa moralidad ang makipagkantutan sa maagang edad pero labag din sa moralidad at hindi justifiable ang mangdegrade ng ibang tao dahil sa mga desisyon nila sa buhay. Kung hindi pa kayo nakikipagkantutan o wala kayong balak makipagkantutan sa edad niyong ‘yan, ‘wag niyo ikumpara ‘yung sarili niyo sa ibang taong nakaranas na na parang itinataas niyo ‘yung sarili niyo dahil kayo ay nananatili sa moral grounds, tao din sila at may mga desisyong pinipili, pakirespeto naman.


Bless this post.

KUNG DI KA NA VIRGIN, WAG KANG MAG-ALALA. AS LONG AS IBINIGAY MO ANG VIRGINITY MO SA TAONG GINUSTO MO, WALA KANG DAPAT PAGSISIHAN.

Labels:

Monday, July 25, 2011
Ang hirap nung may mahal ka, tapos ayaw sayo ng magulang niya. Posted at 11:10 AM 0 comments (+)
I don’t get it. In the first place, hindi naman sila yung pakikisamahan ko habambuhay (if that’s   possible), kundi yung taong mahal ko. Yea, they are the parents. Siguro, sadyang mahirap pakawalan yung anak mo kasi ikaw nag-alaga sa kanya for almost your entire life, ikaw yung nagpahirap, but the thing is, you have to accept that there are some things that need to change.

PEOPLE CHANGE. PEOPLE GROW UP. Hindi naman pwedeng habambuhay, ikaw ang magdedesisyon para sa anak mo. Kaya nga nagkakaroon ng sariling utak ang tao. May KARAPATANG pumili ng taong mamahalin nila.

Okay, sabihin na nating alam naman talaga ng magulang kung sino ang nararapat para sa anak nila. I mean, they know if the person is right or wrong for their child. Pero hindi naman ibig sabihin nun, sila na dapat ang magcontrol ng kung sino ang dapat piliin. Eh paano kung yung pinili mo, hindi makakapagpasaya sa anak mo? Matitiis mo bang hindi masaya yung anak mo dahil sinunod mo ang desisyon o gusto mo, o maging masaya siya sa piling ng mahal niya kasi yun ang gusto niya?

Diba mas masarap sa feeling na makita mong may nagmamahal sa kanya?

Labels:

Thursday, June 9, 2011
Sakit. Posted at 9:34 PM 0 comments (+)
Sobrang sakit at sobrang sikip na ng dibdib mo na kailangan mo ng ilabas. Paulit-ulit mong hinihiling na sana mamatay ka na lang. O di kaya, sana pinatay ka na lang niya kaysa paulit-ulit ka niyang saktan. Umiiyak ka na naman mag-isa.

Labels:

All rights reserved PETITE-FILLEPERDUE
HOME | OLDER ENTRIES ▶


About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.