Tuesday, 15 November 2011
Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go. Posted at 10:45 AM 0 comments (+)

Let go of something or someone that makes you hurt, that makes you cry, and feels like you’re just nothing, you’re worthless and something that makes you feel sad. Sometimes, being in a complicated relationship, seems like you’ve lost your whole world. Sinisira ka at nagkakasakitan na kayo. You’ve got nothing else to do, but to let go and move on. Minsan kasi, nagiging bulag tayo sa isang bagay, masyado natin ‘tong pinaglalaban at sobrang pinaninindigan, pero ang sarili mong kapakanan, hindi mo na inaalala. Tulad na lang sa desisyon mong patunayan sa kanyang mahal mo siya’t bibigay mo ang lahat, ipaglalaban at magpapaka-tanga alang-alang sa pag-ibig na hinihiling mo. Bakit? …bakit mo pa pinahihirapan ang sarili mo? Bakit mo pinaglalaban ang isang bagay na alam mong sa una palang, talo ka na. 

Maraming bagay dito sa mundo ang dapat i-let go. At may mga bagay rin na dapat natin pagka-ingatan. Pero kung gagawa ka man ng desisyon, dun ka kung saan ang alam mong tama. Kung saan ka sasaya. Sa love, kanya-kanya tayo ng dahilan kung bakit tayo kinakailangang mag-let go sa isang tao o kaya sa nararamdaman. Naging matapang ka lang at malakas, dahil sa kabila ng pagmamahal mo sa kanya, mas inisip mo pa rin ang sarili mong kapakanan. Hindi naman kasi sa lahat ng oras o panahon pinapasaya ka ng love o ng isang tao eh. Sa kabila ng mga pasakit, luha at ng mga bagay na isinakripisyo mo, ayan ka’t nagiging matatag ka at nasasabi mong kaya mo palang mabuhay ng masaya kahit wala na siya sa piling mo. Oo, wala na siya. It’s over. But you life has to go on. Ang tao, napapagod at nagsasawa rin. Mahirap mag-let go. At kahit kailan, hindi naging madali ‘yun. Pero mas mahirap mag-hold on sa isang bagay na hindi ka kayang pasayahin. Diba? Hindi porke bumigay ka na, mahina ka. Mali! Pinakita mo lang na sa kabila ng lahat ng ginawa mo, naging matapang ka para pakawalan ito. Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.