Monday, September 5, 2011
Pagiging Obsessed sa Karelasyon.
Posted at 11:55 AM
0 comments (+)
Marahil hindi mo ito napapansin, pero sa totoo ay ginagawa mo na pala ito. Kung sa tingin mo, nag-aalala ka lang, pero yun pala, parang halimaw ka na umasta dahil hindi siya nagreply agad sa text mo.
Paano mo ba masasabing isa ka nang “obsessed” na tao?
- Kapag sa simpleng bagay lang, nahahanapan mo pa rin ng butas,
- Kapag OA ka na kumilos; tuwing nag-aaway kayo, todo hagulhol ka,
- Kapag naiisip mo na parang hindi mo kayang mawala siya sa buhay mo, yung tipong halos mamatay ka na,
- Yung siya na nga nakipagbreak, ikaw pa tong hahabol habol kahit na pinaliwanag na niyang AYAW NA NIYA SAYO. Pero ikaw, parang nakatali pa rin sakanya, nagmamakaawang bumalik siya sayo,
- Yung sakanya lang umiikot ang mundo mo, wala ka nang nakikita, tapos pag napansin mong may bagay siyang pinagkakaabalahan, maliban sayo, magagalit ka na, mapaparanoid.
- Yung nakakasakal na ang mga ginagawa mo sakanya
Iisipin mong nagugustuhan ito ng karelasyon mo, kasi patay na patay ka sakanya. Pero pwede bang tumigil ka muna, at mag-isip isip? Dahil kapag nagi kang masyadong DEPENDENT sakanya, ito ang maaari nilang gawin.
- Mag-take advantage. Yung iba, iisipin na , “Ah, kahit saktan ko ito, babalik ng babalik lang naman ito sakin eh, Hindi niya ako kayang iwan.”
- Yung iba, natuturn-off dito. Gusto nila yung taong kayang mabuhay kahit wala sila, pero andon pa rin yung tiwala. Yung matapos man ang araw na hindi sila magkasama, kampante yung loob na sakanya pa rin babalik yung mahal niya. Hindi nawawala yung tiwala.
Mahirap kontrolin ang pagiging “obsessed”, mahirap mawala ang pagiging “paranoid”. Ikaw na mismo dapat ang tumulong sa sarili mo magbago, para sa ikabubuti ng relasyon ninyo.
Labels: Repost