Thursday, 8 September 2011
PAG NAG-AAWAY TAYO AT DI NA AKO NAGSALITA… Posted at 1:15 AM 0 comments (+)
Ang ibig sabihin nun, nagpapakumbaba na ako. Ayoko nang sumabat pa. Ayoko nang lumaki pa ang away. Tama na. Ayoko nang makipag-debate pa sa bagay na pinag-aawayan natin. Ayoko nang magsalita at baka sa iba pa humantong ‘to. Ayoko na ng gulo. Kaya’t papakinggan ko nalang ang mga sinasabi mo hanggang sa maubos ang mga salita mo. May kausap ka pa. Nakikinig naman ako eh. Ayoko nalang magreact. Nahihirapan ako sa bawat oras na nag-aaway tayo. Nahihirapan akong huminga. Nasasaktan ako ng sobra. Hindi naman kasi ‘to kompetisyon. Ayoko na nung nagpapagalingan tayo. Nagsasalitan ng mga masasakit na salita. Di naman tayo bobo at tanga. Oo, parehas tayong may utak. Parehas tayong may alam. Pero di maiiwasan yung may mas angat sa ibang bagay. Pero di naman natin kailangang magpataasan. Magtulungan tayo. Mahal kita at alam kong mahal mo ako. Di pa ba sapat yun para itigil na yung away? Kasi para sa akin, sapat na yun eh. Tama na ang pag-aaway. Mahal kita. At di kita iiwan.

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.