Tuesday, September 20, 2011
Love can be our “dream come true”. But sometimes, it can be our worst nightmare.
Posted at 5:49 PM
0 comments (+)
Ang pag-ibig.
- Masarap pero masakit.
- Masaya, pero may times nalulungkot ka.
- Natatakot ka ng umibig pero sige ka pa rin.
- Nahihirapan ka na, tinitiis mo pa.
- Manhid na siya, mahal mo pa.
Sabi nila ang “Love” ang pinakasayang feeling na mararamdaman mo dito sa mundong ‘to. Pero bakit andyan pa rin ‘yung feeling na nalulungkot ka? Alam ko lahat tayo, tinatanong natin mga sarili natin, “Bakit nga ba ganito/ganyan ang love?” Dahil sa love, ang dami nating nalalaman at natutunan. Andyan ‘yung, masayahin, pero dahil nasaktan sa pag-ibig, naging iyakin. Andyan din ‘yung pagiging martir mo. Kulang na lang gawin ka ng rebulto dun sa Luneta park, at sabihing, “Ito ‘yung taong ginawa ang lahat magustuhan ang taong mahal niya.” Kulang na kulang na lang talaga, eh matawag ka ng bayani ng mga martir. Natutunan rin naging maging gago at tanga, pagtawanan ka na ng iba, dahil ikaw ang model ng pagiging no.1 sa katangan. Lagi ka nalang umiiyak bagkus, andyan ang mga kaibigan mo para pasayahin ka. Ang mag-bingi-bingihan at magbulag-bulagan. Alam na ng lahat at ikaw na lang ang hindi na hindi naman ikaw ang taong mahal ng gusto mo. Aba! Kinarir mo! Isang trophy sa’yo! Minsan, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi laging siya na lang…
Pero kung sinasakto mo lang ‘yang pagiging manhid at tanga-tangahan mo sa isang tao, nagdudulot rin ‘yun ng maganda. Kasi, kahit papano, maisip mo lang siya, masaya ka. Nagkakaroon ka ng inspirasyon sa bawat bagay na ginagawa mo. Ang pagpasok mo araw-araw sa school para lang makita siya at mabuo ang araw mo. Ang kinang sa’yo mga mata at abot na sa tengang ngiti sa tuwing masilayan mo lang siya ng kahit sandali lang.
Totoong nakakabaliw ang pag-ibig, hindi malaman kung may mali o tama sa ating pinag-gagawa. Mga promises? Napapako naman. Mga “I love you”? Hindi naman napapatunayan. ‘Yung iba, hanggang salita lamang at wala namang maibubuga kapag sa gawa. Masakit, masaya, mahirap, nakakalungot. ‘Yan ang pag-ibig. Kung hindi mo mararanasan ang hirap at sakit, hindi mo makakamit ang kasiyahang gusto mong i-feel.
Labels: Repost