Tuesday, 6 September 2011
Paano na kung ikaw na lang ang lumalaban? Posted at 8:14 PM 0 comments (+)
Sa bawat relasyon may mga problema, darating din yung bagyo sa pagsasama niyo na hindi niyo maiiwasan dahil talagang darating yan para maging matatag, o di kaya dumating sa punto na kailangan niyong patunayan kung magtatagal nga ba kayo, kung pareho niyong haharapin lahat ng problema ng may tiwala sa isa’t-isa.

Siguro tama din yung kasabaihan na, “Lahat marunong magmahal ng seryoso, meron lang hindi malakas sa temptasyon at hindi nakukuntento” sa relasyon meron isang bibitaw at may lalaban. May isang magpaparaya, may isang magbibigay. May ayaw tapusin, may gusto ng lumisan. Lahat naman ng tao e, nakaranas ng iwan. Mas masakit nga lang kung ikaw na lang yung nalaban.

Pinipilit mong ayusin, pinipilit mong maniwala sa kung anong sinasabi ng puso mo, pilit mong iniintindi ang sitwasyon. Gusto mong sumaya ulit kayo pero parang hindi na kaya pa. 

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.