Tuesday, September 27, 2011
Risk. Posted at 6:32 PM 0 comments (+)
May mga taong takot ng magmahal hindi dahil ayaw na nilang masaktan kundi dahil sawa na sila sa ideya na bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sila ang laging nasasaktan at napaglalaruan ng tadhana.

Pero…
  • Paano mo mahahanap ang taong itinakda ng Diyos para sayo kung hindi ka magmamahal muli?
  • Paano mo malalamang totoo ang intensyon ng isang tao kung hindi mo susubukan?
  • At paano ka sasaya kung ayaw mong mag-take ng risk?

Sabi nga nila :

“Loving someone is taking risk.”

Hindi naman kasi sa lahat ng panahon na nagmahal ka masaya nalang kayo lagi.

May mga pagkakataon din namang you’ll come to the point na hindi kayo magkakaintindihan, mag-aaway at kung minsan, nagkakalabuan.

Pero hindi ibig sabihin nun na hindi niyo na maaayos pa ang gusot na yun. Pagsubok lang naman yan sa relasyon niyo eh. Kunbaga, spice lang yang mga away-away na yan sa relasyon niyo para maging matatag pa.

Sabi nga ni Papa Jack :

“It’s a requirement to every relationship na maghirap at masaktan kayo, para magkaroon kayo ng lalim. Yung mga away niyo, yung mga pagkakataong nag-break kayo tapos nagkabalikan ulit, yun ang tinatawag nilang “Marami na tayong napagdaanan.””

It is just a matter of taking the risk and finding the right person who’s also worth the fall.

Hindi naman kasi solusyon ang pag-iwas na magmahal para hindi ka na masaktan.

Darating din ang panahon na kailangan mo na ng isang taong mag-aalaga, iintindi at magmamahal sayo ng totoo.

Kasi nga…

“Sa buhay natin, Dadating din yung mga taong:
  • Makapagpapasaya satin.
  • yung hindi tayo sasaktan
  • yung gagawin lahat para lang mahawakan ang ating mga kamay
  • at mayakap tayo ng mahigpit.

Dahil ang Pag-ibig, Hindi naman talaga yan hinahanap, yun ay kusang dumadating.”

Maghintay ka lang at higit sa lahat magtiwala.

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.