Saturday, November 24, 2012
Lies and broken promises. Posted at 4:47 PM 0 comments (+)
Papalayo na ng papalayo.
In line with that, it made me think of this quote - “People grow apart, deal with it.”

Ang hirap ipaliwanag kung bakit nagkakaganun ang isang tao, napapalayo. Lalo na kapag di mo alam yung lugar mo sa buhay nila. Magugulat ka na lang isang araw na parang wala na silang pakialam sayo. Bakit? Kase… hmmm, ewan, ang hirap nga ipaliwanang. Pero…

Ang mas mahirap, eh yung na-attach ka na dun sa isang tao. Yung marami na kayong napagsamahan, sabay magiging ganun ganun na lang, mababalewala? Mapapaisip ka tuloy “Shit, yung lahat ba ng pinagsamahan namin, wala na lang ngayon?”

Pero siguro, parte yan ng “growing up” na stage, kasi dito nagiiba yung ugali natin, nagiiba yung pananaw natin sa buhay at dito tayo magpapasiya kung magbabago tayo - para sa ikabubuti natin o sa ikasasama. Nakakatakot man isipin, pero parang lahat naman tayo pinagdaanan/pinagdadaanan/pagdadaanan yan.




Nakakainis kasi minsan ang hirap pigilan. Lalo na kung sweet talaga yung taong yun. Para bang may something dyan sa puso mo. Gustong-gusto ng mga tenga mo yung naririnig mo. Kaya ayan, yung puso mo nahuhulog na lang ng bigla. Parang ang hirap lumayo, ang hirap iwanan kasi nga nkasanayan mo na. Nakasanayan mo na may taong laging andyan para lambingin ka, yung taong andyan para busugin ang tenga mo sa matatamis niyang salita.

Tapos kapag nahulog ka na, bigla siyang mawawala. Bigla na lang lahat ng bago. Hindi ba nkaka-gago yan? Nahulog ka sa taong hindi pinanindigan yung mga salita niya. Sa taong wala ka nman pa lang halaga skanya. Tangina lang e noh? Mas masahol pa sa tae ang pakiramdam. Feeling mo e parte ng sarili mo nawala. Umasa ka na may something kayo. Umasa ka na may pwedeng ‘kayo’ pero wala naman pala talaga.

Ano yun, tanga ka lang ba talaga or sadyang pinaasa ka? Or pwede rin namang nag-assume ka ba or nag-expect ka lang talaga?

Ang hirap kasi minsan e yung hindi mo alam kung saan ka ba dapat lulugar sa buhay ng isang tao. Kung diyan ba or dito. Yung tipong bibigyan ka niya ng motibo pero in the end, ikaw lang magmumukhang tanga. Ang sakit di ba? Nakakapagod rin.

Ikaw na lang lagi ang nasasaktan.

Ikaw na lang lagi ang kawawa.

Ikaw na nga ang talunan, ikaw pa ang bigo.

Hindi ba sobrang sakit naman na ata ng ganito? Kulang na lang e pasanin mo talaga ang mismong planeta natin. Kulang na lang iburol ang puso mong unti unti ng namamatay.

Gustuhin mo mang gumalaw sa kinalalagyan mo, hindi mo magawa. Kasi everytime na sinusubukan mo, bigla ka na lang niyang hinihila pabalik sakanya. Nahihirapan kang mag-move on kasi andyan siya na nakaharang. Saan ka ba dapat pupunta? Ano ba ang patutunguhan neto?

Forever ka na lang bang aasa sa feelings mo? Forever na lang bang ganyan?

Yan ang hirap kapag na-attach ka na sa isang tao. Wala kang ibang ginawa kundi hanap-hanapin yun. Parang hindi ka buo kung wala siya. Parang hindi ikaw pag walang siya. Ang hirap, sobrang mahirap talaga.

Sana dumating yung araw na maintindihan mo lahat ng ito. Dahil ikaw na mismo na nkakaranas ay hindi ito maintindihan. Sana hindi na tayo makuhang paglaruan pa ng tadhana.

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.