Sunday, September 18, 2011
Sweet conversation. Posted at 1:03 PM 0 comments (+)
Conversation with my boyfriend awhile ago. 

Me: 19 days na lang pala before our 2nd anniversary. Ang bilis no? Parang kailan lang. Excited na ako. Sana mas tumagal pa tayo at madami pang months and years ang dumating sa atin.
Him: Oo nga eh. Sobrang bilis. Excited na din ako baby. At oo naman, madaming madaming months and years pa talaga ang dadating satin. Mahal na mahal kita eh. Hihi.
Me: Sana pagtungtong natin sa bagong chapter ng relasyon natin wala na sanang mangyaring pagtatalo o pagaaway. Pero alam ko naman na hindi din natin maiiwasan yun. Alam kong dadating din yung oras at panahon na magkakaroon tayo ng mga misunderstandings o hindi pagkakaintindihan. May mga pagkakataon din na magkakatampuhan tayo or whatsoever. Pero I know, this time mas kaya na natin lagpasan yung mga pagsubok o problema na dadating pa sa atin, sa relasyon natin. At alam kong tinetest lang tayo ni God kung gaano tayo katatag pagdating sa mga trials and challenges na ibinibigay niya sa atin. Sa dami ng problema na dumating sa atin, alam kong mas matatag tayo ngayon, diba baby? :) 
Him: Kaya talaga nating lagpasan lahat. Kinaya nga nating lagpasan yung mga nakaraang pagsubok eh, ngayon pa ba tayo susuko? Mahal na mahal kita hon.
Me: *Speechless* Kinilig ako eh. Bakit ba? Hihi. I love you forevermore sleepyhead! I LOVE YOU, TO INFINITY AND BEYOND! 

See? Ganyan kami ka-sweet kapag hindi nagaaway. Haha. Loljk. Mahal na mahal ko yan. Kaya nga sobrang thankful ako dahil nakilala ko yang tao na yan. Siya kasi ang nagpabago sa akin. Sa buong pagkatao ko at wala na akong mahihiling pa. Dahil na sakanya na lahat. Hindi naman actually lahat. Dahil alam kong wala naman taong perfect, right? Lahat ng tao meron din mga imperfections and flaws sa sarili. I'm so blessed and thankful dahil siya ang ibinigay sakin ni Papa God para maging boyfriend ko. :"> ♥

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.