Wednesday, 7 September 2011
23rd monthsary. No plans at all. Posted at 11:30 AM 0 comments (+)
Yep. No plans for today. No plans for our 23rd monthsary. This is the very first time na hindi kami magkakasama/magkikita ngayong monthsary namin. But it's okay. Meron kasi syang training for work. Alam ko naman na ginagawa lang din nya yun for the two of us, kaya naiintindihan ko naman. Sinusubukan at pinipilit kong intindihin actually. Sobrang hirap kasi. Nasanay na kasi ako na palagi kaming nagkikita every monthsary namin. Nasanay na ako na palagi kaming nagcecelebrate ng monthsary namin every month. Kaya yun, medyo malungkot. 

But despite of that, i'm still trying to be happy though we don't have a chance to see each other today. We greeted each other through text. Okay na siguro yun. Masaya na ako dun. Magkatext naman kami eh. Pero iba padin talaga yung magkasama kami. Mas masaya siguro ako ngayon. 

I am hoping na hindi na ganito ang mangyari sa 2nd anniversary namin. 1 month na lang until our 2nd anniversary. Sana maicelebrate na namin ng magkasama kami. Ang bilis ng oras at panahon. Hindi ko namalayan na mag-dadalawang taon na pala kami. Dalawang taon na naming ipinaglalaban ang relasyon namin. Kahit puro away bati na lang ang nangyayari lumalaban padin kami. Pilit padin isinasalba ang relasyon namin kahit na alam naman na hanggang dun na lang talaga. Pero dahil sa mga away bati na yun, mas lalo lang kami nagiging matatag at matibay. Alam kong pagsubok lang yun ni God para samin. Tinitingnan lang nya kung gaano kami katatag pagdating sa mga pagsubok na ibinibigay nya samin. At sa lahat ng pagsubok na ibinigay nya, lahat yun nalagpasan namin. Alam kong madami pang mga problema ang dadating sa relasyon namin dalawa, and I am ready for that. I know trial lang yun para samin. Challenge lang ni God for us. 

At sana mas tumagal pa kami. Sana kami na nga talaga hanggang sa huli. Sana kami na talaga ang magkakasama habang buhay. Pero hindi ko padin masasabi. Hindi naman kasi dapat kami ang nagdedesisyon kung anong mga pwedeng mangyari in the future, right? Just go with the flow na lang. 

Anyway, happy 23rd  Rj Tuaño. ♥
Happy 1 year and 11 months down.
Forever to go baby. Iloveyou to infinity and beyond.  ∞

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.