Sunday, 24 July 2011
Letter from him. Posted at 11:53 PM 0 comments (+)

Hon,

Happy Birthday baby ko! Hope na masaya ka this day kasi magkasama tayo ngayong araw. Pasensya na kasi wala akong gift sayo at dalawang birthday mo na wala akong gift sayo. Bawi na lang ako next year. Yun eh kung may work na ako, pero siguro naman may trabaho na ako nun. 

Hon, alam kong madami na akong pagkukulang, kasalanan, mali at mga masasakit na salita ang nagawa ko sa'yo kaya humihingi ako ng sorry kahit madaming beses na akong nagsosorry sa'yo at paulit-ulit na lang yung pagsosorry ko sa'yo. Pero sana may magbago na sa relasyon natin at umaasa akong maging mas maayos pa to.

I love you hon! Mahal na mahal kita at alam ko din naman na mahal mo din ako. Hindi ko talaga inaasahan na magiging tayo dahil hindi naman tayo masyadong nagpapansinan nun. Pero ngayon, tayong dalawa ang nagmamahalan at alam kong hanggang sa huli tayo pa din ang magmamahalan. Sana malagpasan pa natin ang mga pagsubok na darating sa ating relasyon. Alam ko mas matibay tayo ngayon dahil sa mga pagsubok na dumating sa atin. At sana tayo na nga hanggang sa huli. Mahal na mahal kita. 

At sana mas habaan mo pa ang pagpapasensya sa ugali ko kahit alam kong medyo nahihirapan ka na sa ugali ko. Pinipilit ko namang magbago para sa'yo at para din naman to sa ikabubuti ng ating relasyon kaya salamat sa pangunawa at pagintindi sa ugali ko. 

Again, Happy Birthday baby ko and more birthdays to come. Be a good girl always and lagi mong iisiping mahal na mahal kita. 

HAPPY BIRTHDAY HON!!! I LOVE YOU SO MUCH! 

ionh 3^o7! I LOVE YOU BABY KO! Smile always okay? :) 

Love,
RJ 

Sweet diba? First time yan! First time niyang gumawa ng letter for me. Kaya para sakin malaking effort na yan. Thank you honey. I love you too, so much. Nagpapasalamat talaga ko kay Papa God dahil ikaw ang ibinigay nya sakin, super understanding and loving boyfriend, sobrang bait pa. Wala na akong mahihiling pa. I love you to infinity and beyond. 

Labels:

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.