Wednesday, 18 May 2011
Holy week 2011. Posted at 4:07 PM 0 comments (+)
Please forgive me. Super late blog post.

I had a very fun holy week this year. Unlike previous years. Dati kasi, parang hindi ko feel ang holy week. Parang boring lang for me. Parang walang okasyon na nagaganap. Haha. Pero this year, the best holy week! Basta happy lang holy week ko this year kasi nakasama and nakabonding ko ulit mga childhood friends and family friends ng family namin. (Friends ni mommy and daddy) Matagal na panahon na din kasi ang lumipas since nung nagkasama kami and nakabonding ko silang lahat. Actually, hindi pa nga kami kumpleto nun. Kulang pa. :(
Pero it's okay, at least nagkaron kami ng time to catch up. 

Every year kasi, tuwing holy week meron kaming poon na si Simon Cireneo. Every year merong nagiging hermana. Yun yung parang nagaasikaso dun sa poon para makasama sa procession tuwing Holy Wednesday. Eh nagkataon naman na Si Ninang Vilma (Ninang sa kumpil) ko ang naging hermana ngayong taon. Siya kasi ang naging pinaka-close ko sa mga friends ni Mommy dahil nga Ninang ko siya sa kumpil. Kaya ayun, nakasama ako nung holy wednesday sakanila. Hindi naman ako makakasama kung hindi si Ninang Vilma ang naging Hermana eh. Haha. Tapos yun, nung hapon nung araw na yun nagpunta muna ako kina Ninang para kumain, syempre kasama ko boyfriend ko. Close sila eh. Haha! Tapos after kumain nagpunta na kami sa church. Nilakad na lang namin, kasi malapit lang naman house nila sa simbahan, ilang hakbang lang ang lalakarin mula sa kanila hanggang sa simbahan.

So there, pagdating namin sa simbahan hindi pa tapos yung mass pero sobrang dami na ng tao. Tapos nandun na din yung ibang mga poon na kasama sa procession. Kaya naghintay pa kami ng ilang oras bago matapos yung mass at magstart na yung procession. Sad to say nga lang na hindi ko makakasama boyfriend ko, kasi magbubuhat siya sa ibang poon. Panata na rin kasi ng mga friends niya yun eh. Pag Holy Wednesday, nagbubuhat sila sa St. Andrew. Tapos pag Good Friday naman, Sa San Nicodemo sila nagbubuhat. Saya diba? Haha. Pero kahit ganun, happy padin naman. Nandun si Tita Junette eh, paano ba naman ako hindi magiging masaya. Super fun! See you all again next year! :))


Ninang Vilma's house with boyf.


L-R: Tita Fe, Tita Junette, Me, Jeanine, Kuya Jude and girlfriend.


L-R: Tita Fe, Tita Junette, Myself again, Jeanine, Kuya Jude, Kuya Joshua.


L-R: Aira, Renz, Ara, Kelli, Myself and Jeanine. 


L-R: Tita Edith, Tita Fe, Tita Amy and Tita Nechie.


L-R: Tita Edith, Tita Fe, Ninang Vilma, Myself, Tita Amy and Tita Nechie.










Labels: ,

About
Underconstruction. Moved to wordpress.
Credits
Layout by mymostloved with script, background and image.